Si Jonas Gaffud at ang kanyang mga kasamahan sa Miss Universe Philippines Organization ay satisfied sa pagganap ni Celeste Cortesi sa Preliminary competition ng Miss Universe 2022 pageant.
Ito ay sa kabila ng magkahalong opinyon ng mga tagasuporta ni Celeste at iba pang pageant fans. Inamin ni Jonas, creative director ng MUPH Organization, na maraming komento at feedback matapos ang performance ni Celeste sa prelims.
Wala na umanong mahihiling pa si Jonas sa performance ng pambato ng Pilipinas sa Prelims. Nagpakatotoo raw si Celeste at ginawa ang kanyang makakaya.
Ibinahagi ni Jonas ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng isang Instagram post pagkatapos ng Prelims na ginanap noong January 12 Philippine time.
Sinabi rin ito ni Voltaire Tayag, MUPH Director of Communications. Nasa New Orleans ang grupo nina Jonas at Voltaire para gabayan at suportahan si Celeste.
Ibinahagi ni Voltaire na nagkaroon ng talakayan ang MUPH Organization tungkol sa performance ni Celeste sa Preliminary competition.
“From the organization’s point of view, because we’ve had a discussion earlier…”, paliwanag ni Voltaire sa isang panayam sa CNN Philippines noong Enero 13, 2023. “We are so proud of her. We are very proud of the performance and we know that she’s done everything that she could, given all the preparations. And there’s nothing we could ask for from her.”
Bagama't hindi sila pinapayagang lapitan o hawakan si Celeste bilang bahagi ng protocol, tuloy-tuloy pa rin ang komunikasyon ni Voltaire sa beauty queen.
Tinanong si Voltaire tungkol sa reaksyon ni Celeste sa kanyang pagganap sa Prelims.
Sabi ni Voltaire, “She felt great, she was very happy. And one of the main things that she was [happy about], she was finally able to show the cape during the swimsuit competition.”
Ang kapa na ginamit ni Celeste sa swimsuit competition sa Prelims ay ang mga tatak ng kamay ng mga bata sa Marawi nang bumisita ang grupo ng beauty queen doon noong nakaraang taon.
Gaganapin ang Miss Universe 2022 grand coronation sa darating na linggo sa Enero 15, Philippine time.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!