Roderick Paulate Tuluyang Makukulong Matapos Ibasura Ang Kanyang Apela

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Jerome

 

Roderick Paulate mukhang tuluyang makukulong!

Ito'y matapos ibasura ng Sandigang Bayan ang kanyang apela na baliktarin ang naging hatol sa kanya hingil sa ghost employees. Siya ay maaring makulong ng 62 years.

Nitong buwan lamang ng Desyembre nang lumabas ang hatol ng Sandigang Bayan sa actor-politician na si Roderick Paulate, ito'y kaugnay sa pagkakadawit niya sa kasong pandarambong sa kaban ng bayan.

Kung maalala, siya ay nahalal bilang konsehal sa Quezon City noong 2010, matapos lamang ang ilang buwan ay tinanggal siya sa kanyang puwesto nang mabunyag ang pagkakaron niya umano ng ghost employees mula July hanggang November ng nasabing taon.

Siya ay opisyal na sinampahan ng kaso noong 2018, at ayon dito siya ay gumawa ng isang peking Job Order, para paglaanan ng budget ng gobyerno. Ang pasahud ng mga pekeng 30 employees kung susumahin ang hatol na ibinigay sa kanya aabot ito ng 62 years na pagkakakulong.

Kaagad din namang umapela si Roderick upang baligtarin ang hatol dahil ayon sa kanya siya ay inosente. Hindi daw niya alam na mga peking tao ang ipinasa sa kanya , wala daw siyang kinalaman sa nasabing Job Order. Sa huli ay hindi pinaburan ng Sandigang Bayan ang apela nito dahil sa kakulangan ng patunay na wala siyang kinalaman sa nasabing pandarambong.

Bukod rito, inatasan rin si Paulate at ang kanyang liaison officer na bayaran ang gobyerno ng 1,109,000 ito ang halagang public funds na nakolekta ng dalawa mula sa City Treasures Office na para daw sa suweldo ng kanilang mga empleyado.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo