Ruffa Gutierrez, Binati Si Ilknaz Bektas Kaarawan Nito!

Biyernes, Enero 27, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag ng celebrity mom na si Ruffa Gutierrez, sa kanyang latest post sa social media, ang personal na binati para kay Ilknaz Bektas, na kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-24 na kaarawan. Sa kanyang Instagram page, nag-upload ng ilang throwback photos si Ruffa Gutierrez.

Sa mga larawan, makikitang hawak-hawak ni Ruffa ang kanyang mga anak—sina Lorin at Venice, gayundin si Ilknaz na nagpakita ng cute na pose sa camera.

Sa caption ng kanyang viral post, ibinunyag ng celebrity mom na 17 years na ang nakalipas mula nang makuha ang kanilang lumang larawan.

Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang kagustuhang makita si Ilknaz, o 'Nazo', sa taong ito bago sabihin rito na "our home is your home too".

"Happy 24th birthday, Nazo! It’s been 17 years since this cover photo was taken. I hope to finally see you this year. Please come and visit us anytime. Our home is your home too. Here’s wishing you the best day ever. We love you! ❤️ -Ruffa Abla, Lorin and Venice," capption ni Ruffa sa kanyang post.

Agad namang bumuhos ang mensahe ng pagbati para sa half sister nina Lorin at Venice sa mismong comment section ng Instagram post ni Ruffa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo