Ryssi Avila, Ipinakilala Na Ang Kanyang Baby Boy, Sino Ang Ama?

Martes, Enero 24, 2023

/ by Lovely


Ginulat ng Idol Philippines season 2 runner up na Ryssi Avila ang mga netizens nang ibinahagi niya ang larawan at ang katotohanang mayroon na siyang anak.

Ang kanyang baby, na tinawag niyang Baby Anghel ay nasa limang buwan pa lamang. Inamin din ni Ryssi na noong sumali siya sa Idol Philippines Season 2 ay kapapanganak pa lamang niya sa kanyang baby.

"Hindi niyo lang po alam na noong time na nag-live shows na ako, kakapanganak ko lang," pahayag ni Ryssi.

"Sinikap ko na matapos 'yun. Sinikap ko na ilaban yung pangarap ko para sa sarili ko at siyempre para sa anak ko," paliwanag pa ni Ryssi.

Samantala, sa kanyang Youtube vlog ibinahagi din ni Ryssi ang buong detalye ng binyag ni Baby Anghel. Hindi naman ipinakita o ipinakilala ni Ryssi kung sino ang ama ng kanyang baby.

Kasabay nito ay ang pag-unbox ni Ryssi sa kanyang silver button sa kanyang Youtube channel dahil nakaabot na sa 300 000 ang kanyang Youtube subscribers.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo