Kamakailan lamang ay inihayag ni Sarah Geronimo na dumaan siya sa maraming hamon at pagsubok na siyang nagpapahina sa kanyang determinasyon at sa kanyang puso.
Dahil dito, nahirapan siyang huminga at naapektuhan na ang kanyang buong katawan.
“Marami pong mga dumating sa buhay ko na nagpahina ng aking loob, ng aking paghinga, nakaapekto po 'yun lahat sa akin,” pahayag ni Sarah Geronimo sa ASAP.
Nagpasalamat siya sa Poong Maykapal sa pagtulong sa kanya na makabangon muli at muling yakapin ang talentong ibinigay Nito sa kanya.
Nagpapasalamat din si Sarah sa kanyang asaa na si Mateo Guidicelli, mga mahal sa buhay at mga fans na patuloy na nag-iinspire sa kanyang upang muling bumalik sa live stage.
“Alam niyo po, masayang-masaya po ako na nagkaroon po talaga ako ng courage na makabalik sa pagpi-perform. Yung inspirasyon na unang-una, galing sa kanya, pangalawa po sa mga mahal ko sa buhay, aking pamilya, ngayon ang aking asawa at sa inyong lahat po,” pahayag pa ni Sarah Geronimo.
Dagdag pa nito, “Kayo po, inspirasyon ko po kayo, grabe po talaga ‘yung inspirasyon na nabibigay niyo sa akin na tuloy-tuloy lang, hangga’t meron tuloy-tuloy lang.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!