Senyora Hinahanap ni Aljur Abrenica!

Linggo, Enero 22, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng aktor na si Aljur Abrenica ang ilang mga larawan niya sa kanyang Instagram feed.

Makikita sa mga larawan na gumagawa siya ng kape. Subalit ang nakatawag sa atensyon ng mga netizens ay ang makulit na caption nito.

"San kana malamig na kape mo," sulat ni Aljur kung saan nakatag pa ang social media personality na si Senyora.

Kaagad naman itong umani ng samu'-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens.

"mang aagaw talaga yan si senyora,humanda sya sakin,makikita niya hinahanap niya."

"Gwapo ni Aj. Kamukha niya kaya si baby girl?"

Matatandaang kamakailan lamang, pinansin ni AJ Raval ang pag react ni Senyora  sa post ni Aljur Abrenica, na kaagad sinagot ng online personality na nagdadamot lamang si AJ.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo