Shamcey Supsup Nilinaw Na Ang Isyung Iniwan Nila si Celeste Cortesi Matapos Hindi Makapasok sa Top 16!

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Lovely


Nilinaw na ng Miss Universe Philippines National Director na si Shamcey Supsup ang ilang mga isyung kumalat matapos ang hindi pagkapasok ng pambato ng Pilipinas  sa Miss Universe 2022.

Una na rito ang pag-iwan umano nila ng team kay Celeste Cortesi at naunang umalis sa venue ng Miss Universe ng hindi ito nakapasok sa Top 16.

Ayon kay Shamcey Supsup, hindi umano ito makatotohanan naroon umano siya at nanood hanggang matapos ang Miss Universe coronation.

"No not true at all. I watched until the end. That's why I am really saddened and a bit angry to hear malicious rumor saying that we walked out after the top 16. Because it is not true," pagdidiin ni Shamcey.

Kasunod na nilinaw ng National Director ay ang kumakalat na video kung saan nakitang ang ina at ang boyfriend lamang ni Celeste ang kasama nito matapos ang show. Makikita pang tila kino-comfort ng ina si Celeste.

Ayon kay Shamcey, balak niyang puntahan si Celeste sa hotel room nito dahil nasa iisang hotel lang naman sila. Subalit, napag-alaman umano ni Shamcey na nais munang makasama ni Celeste ang kanyang ina, boyfriend at mga kaibigan. Kaya nirespeto umano ito ni Shamcey at napag-usapan nila ng team na pagkabukas nalang nila ito kakausapin.

Nilinaw din ni Shamcey Supsup na hindi niya sinabihan si Celeste na hindi muna ibigay ang lahat sa prelim. Bagku's sinabihan umano niya itong pagbutihan lalo na sa close door interview.

"I never, ever told my girls to hold back and not to give their best every single time they come out of their rooms. Never did I want to save that term, 'Know when to peak'," aniya.

Dagdag pa niya, "I told her focus on preliminary interview because that's 50%."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo