Sunud-sunod ang mga pasabog
ng Kapuso comedian na si Pokwang tungkol sa ex-partner na si Lee O'Brian. Sa
kanyang instagram post, nagbigay ng babala ang komedyante tungkol sa dati
nilang business brand ni Lee, ang PokLee Food Products.
Makikitang pabirong nagkomento
ng isa niyang cohost na si Kuya Kim Atienza. Komento ni Kim, “Paorder nga ng
#PokLee Mamang”. Agad namang nareply ng tawa si Pokwang, pero hinala ng mga
netizen na nasasaktan pa rin siya.
Nobyembre 2021 nang magdesisyon sina Pokwang at Lee na maghiwalay, ngunit ang balita tungkol dito ay lumabas lamang noong Hulyo 2022. Ito ay matapos mapansin ng mga netizen na binago ng komedyante ang packaging ng kanilang negosyo kung saan wala na si Lee.
Sa kabila ng kanilang
paghihiwalay noon, nananatiling maayos ang kanilang coparenting set-up para sa
anak na si Malia. Pinag-usapan din na may third party at sinugod ni Pokwang ang
bagong partner ng ex dahil ito ang
dahilan ng kanilang hiwalayan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!