Matapos ang isang abalang taon sa paggawa sa back-to-back screens projects, ibinahagi ni Sunshine Cruz na sa wakas ay nasa vacation mode na siya pagkarating niya sa Bohol kasama ang kanyang mga anak na sina Angelina, Cheska, at Sam kung saan sasalubungin nila ang Bagong Taon. Nag-selfie si Sunshine at ang kanyang tatlong magagandang anak na babae bago ang kanilang flight sa airport.
“And so the adventure begins,” caption ni Sunshine.
Samantala, noong December 30 ibinahagi ni Sunshine ang isang selfie kung saan makikitang naka bikini siya habang nasa resort.
“It’s been a while Bohol. Happy to be able to spend time with my girls and celebrate new year here. Maayong Hapon ka ninyong tanan,” caption naman nito sa kanyang post.
Samantala ibinahagi naman ng dating asawa ni Sunshine na si Cesar Montano ay ang selfie at video clip ng Virgin Island (Pungtud Island). Kung saam dinala niya ang kanyang mga anak na babae sa Bohol.
Sa isa pang panayam nitong nakaraang buwan, ibinahagi ni Shine na kasama rin sa kanilang plano sa Bohol ang dating asawang si Cesar Montano at ang kanyang partner at mga anak gayundin si Diego Loyzaga, na anak ni Cesar sa ex-girlfriend na si Teresa Loyzaga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!