Sunshine Dizon Babalik Na Ng Kapuso Dahil Sa Isang Proyekto!

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Lovely

Ipinakita ng aktres na si Sunshine Dizon ang kanyang galing sa mga Kapamilya fans matapos ang dalawang magkasunod na proyekto na ginawa niya under Kapamilya network.

Marami na rin ang nag-aabang sa susunod na proyektong kabibilangan niya kasama ang ilan pang magagaling na Kapamilya artists.

Subalit, may kumakalat ngayon mga usap-usapan na umano'y lilipat nang muli si Sunshine Dizon at babalik sa Kapuso network matapos niya itong iwan noong 2021.

Ayon sa mga usapan, muling mapapanood si Sunshine Dizon sa GMA sa darating na February 2023 sa bagong proyektong kanyang pagbibidahan. Napag-alaman pang bibigyang daan ang pagbabalik ni Sunshine sa GMA sa teleseryeng, Ang Lihim ni Urduja.

Agad namang umano ng samu't-saring komento ang balitang ito. Ayon sa ilang mga netizens, babalik si Sunshine sa GMA dahil doon naman ito mas sumikat at mas binibigyan ng maraming projects.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo