Kagaya ni Kapuso comedy star Michael V, umalma na rin si GMA head writer Suzette Doctolero laban sa bashers na inookray ang live adaptation ng hit anime series na Voltes V. Marami ang hindi nagustuhan ang bahagi ng kuwento ng pinag-uusapan pa rin ngayong mega trailer ng “Voltes V: Legacy” ng Kapuso Network.
“Pero dahil ito ay LIVE adaptations, at ang target ay all ages (mula bata hanggang matanda), kaya ginawa naming mas ‘humanized’ ang mga characters. At bilang ang REYALIDAD ay mga kabataang guwapo at magaganda sina Steve, Big Bird, Mark at Jamee kaya yes, may love story, na hindi malaking part sa kuwento pero mayroon. Imposibleng wala,” dagdag pa niya.
Narito ang laman sa reaksyon ng creative writer sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Enero 2 matapos makarating sa kanyang ang ilang negative reviews ng netizens sa partikular na bagong timpla sa kuwento ng Voltes V.
Ayon sa kanila, sadyang hindi nawawala sa GMA7 ang pagkakaroon ng agawan o kabitan sa kanilang mga serye at maging sa Voltes V: Legacy ay nilagyan pa.
“True, walang love story doon sa anime kasi pambata iyon. Cartoons ang tawag naming mga golden era V5 fans. Wala talagang love story sa cartoons na ang target ay kids. Sinong lokong ‘cartoons’ maker ang gagawa nun?”pahayag ni Suzette.
Pinasaringan pa niya ang ilang mga bashers at sinabihang pangit. Ayon kay Suzette kung ang mga ito nga ay may lovelife ang mga bida pa kaya sa live adaptation gayung magaganda at gwapo silang lahat.
Ipinahayag din sa huli ni Suzette na tila nasasanay na lamang siyang binabatikos ang kanyang mga likha sa simula subalit wala ng masabi kapag umeere na.
“Karamihan ng shows ko, nauuna ang mga husga tapos pag palabas na, nawawala na ang mga mema. Hay naku, 2023 na, magbago na,” pagtatapos ni Suzette.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!