Buong pusong iwinagayway ng bagong Miss Universe R'Bonney Gabriel ang watawat ng Pilipinas matapos makoronahan.
Ipinakita niya sa buong Universe na siya ay may dugong Pilipino. Ayon sa audience na nakakita nito, si R'Bonney mismo ang kusang kumuha ng watawat ng Pilipinas at hindi lang ito ibinigay sa kanya.
Pinatunayan lang nito kung gaano niya pinahahalagahan ang bansang pinanggalingan ng kanyang ama, na nandoon din at nanood ng live sa Louisiana.
Samantala, ang ating kandidata na si Celeste Cortesi, ay kumain kaagad ng Italian pizza pagkatapos ng kompetisyon, dahil sa cravings niya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!