Taong Tumangging Tumulong Kay Vhong Navarro Ibinulgar Na?

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Jerome


Naitanong kay Vhong kung sino ang taong hiningian niya ng tulong noon pero hindi siya pinansin nito, bagkus ay ipinasa pa siya sa iba na denidma din naman siya. Ayaw nalang daw alalahanin ni Vhong Navarro ang taong iyon dahil naniniwala siya na baka hindi siya nito tinulungan dahil  lalabas din lang ang katotohanan na wala siyang ginawang masama.

At heto napagbigyan siya ng pansamantalang kalayaan sa pamamagitan ng pagpyansa bago magpasko upang makapiling ang kanyang pamilya. Sa ngayon ay nakabalik na siya sa kanyang trabaho sa It's Showtime para makapag trabaho muli dahil kailangan para sa kanyang pamilya at sa kasong hinaharap.

Imbis na magtanim siya ng sama nang loob sa mga taong dumedma sa kanya ay nagpasalamat pa siya dahil baka may dahilan ang  lahat.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, hindi lang pala si Vhong ang humingi ng tulong rito, napakarami na rin pero dedma rin dahil ang katwiran nitong wala siyang koneksyon dahil nagtatrabho lang siya.



Matatandaang may haka-haka noon, na lumapit sila sa kaanak ng personalidad na ito dahil sa paniniwalang matutulungan siya nito dahil may posisyon ito sa bayan nila. 

Subalit, hindi sila pinansin bagkus ay itinuro lang din sa ibang tao, may kagaya din pala ang personalidad na ito sana nga lang ay pagnangailangan din siya ng tulong ay di rin siya pagdamutan ng mga taong lalapitan niya.

Samantala, nagpapasalamat ngayon si Vhong sa itaas dahil dininig nito ang kanyang mga panalangin. Umaasa din ang mga taga suporta ni Vhong Navarro na sana lumabas na ang katotohanan para makapaghanapbuhay na ito ng tuloy-tuloy dahil may mga pamilya din ito na umaasa sa rito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo