Tawagan na 'Mahal' May Dalang Kamalasan Sa Relasyon?

Huwebes, Enero 5, 2023

/ by Lovely


Pinaniniwalaan ngayon ng ilang mga netizens na may dalang kamalasan sa isang magkarelasyon kung ang call sign ay 'mahal'.

Pinagbabasehan kasi ng ilang mga netizens na ito ang call sign ng mga naghiwalay na celebrity couple kagaya na lamang kina, Aljur Abrenica at Kylie Padilla, Paolo Contis at LJ Reyes, ang pinakabago naman ay sina Mccoy De Leon at Elisse Joson.

Viral ngayon sa social media ang ibinahaging collage ng tatlong celebrity couple na naghiwalay. Makikita rin ang pag flex ng mga lalaki sa kanilang 'mahal', subalit nagloko naman kalaunan.

Nito lamang ay inamin mismo ni Mccoy na hiwalay na nga sila ng partner na si Elisse Joson. Bagama't pinabulaanan niya ang kumakalat na convo na umano'y may bagong jowa na siya. Malakas pa rin ang kutob ng mga netizens na may katuturan ang isyung iyon.

Samantala, dahil sa pag-viral ng larawan nagpapakita ng endearment na mahal subalit naghiwalay naman may ilang mga netizens na tila kinakabahan na rin sa kanilang minamahal.

Narito ang ilang komento mula sa kanila,

“Kaya ako hindi na ako magmamahal. hahahaha! Pati sibuyas ang mahal!”

“Wala naman sa mga tawagan yan kung talagang manloloko ang lalaki maglolo yan!”

“Naku, beware na sa mga nagsasabi ng ‘Mahal’, iba pala ang mahal hahaha.”

“Buti na lang Love ang tawagan namin ng dyowa ko! Hahahaha!”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo