Toni Fowler Ipinagtanggol si Alex Gonzaga, Focus Nalang Daw sa Icing Ng Cake!

Martes, Enero 17, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang pambabatikos na natamo ni Alex Gonzaga matapos ang kanyang birthday celebration.

Makikita sa kumakalat na video ang tila pambabastos ni Alex sa nagsisilbing waiter na siyang may dala ng cake ni Alex. Matapos ang candle blowing, bigla na lamang pinahiran ni Alex Gonzaga  ng icing ang noo ng waiter sabay tawanan ng lahat.

Agad namang naglabasan ang mga negatibong komento laban kay Alex mula sa mga dating kasamahan nito sa trabaho at maging ang ilang mga sikat na social media personalities ay naglabas rin ng mga negatibong pahayag para sa kanya.

Sa Facebook live, ni Toni Fowler tila ipinagtanggol nito si Alex Gonzaga. Ipinahayag pa niya na may karapatan naman siyang magsalita dahil nakasama naman niya si Alex sa isang colab.

Hindi katulad ng ibang social media personalities na mga negatibo ang pahayag, purim-puri ni Mommy Oni si Alex. Marami rin umano siyang natutunan kay Alex G. ipinahayag pa niya na madaling maka-close si Alex dahil very open ito.

Aminado naman si Mommy Toni na hindi lahat ay komportable sa ginawa ni Alex kay Kuyang Waiter. Ipinagdidiinan pa niyang hindi niya jinu-justify ang ginawa ni Alex subalit may ilan ding sumusobra na sa mga komentong ipinahayag nila kay Alex.

Kung saan dinadamay pa ang pagkalaglag ng anak nito o kung ano pang nakaraan ni Alex, bagkus ay mag focus na lamang sa isyung pagpapahiya ni Alex sa waiter.

Narito ang buong live ni Mommy Toni.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo