Humihingi ng paumanhin ang TV Patrol sa P-pop group na SB19 matapos nilang magkamali ng caption sa kanilang inilabas na ulat.
Kaagad namang kinuyog ng mga tagahanga ng SB19 ang naging ulat ng TV Patrol, kaya naman naglabas na ng pahayag ang TV Patrol at humingi ng paumanhin sa P-pop group.
Apat na kilalang artists sa bansa ang nagtanghal para sa ilang masugid na mall-goers para sa musical street countdown ng Mall of Asia nitong Sabado ng gabi. Kabilang sa kanila ang bandang Spongecola, KAIA, SB19, si Sparkle artist Zephanie Dimaranan at Kapamilya singer Darren Espanto.
Sa ulat ng TV Patrol, bagama't highlight ang maraming fans ng P-pop powerhouse na SB19, kapansin-pansin naman ang maling caption sa ulat nito sa naging broadcast ng TV Patrol, Sabado. Sa halip kasi na SB19, ang mababasa sa caption ng ulat kasama si Darren at Spongecola at ang P-pop groups na BINI, at BGYO.
Agad itong napansin ng mga tagahanga ng SB19 at kaagad kinuyog ang ABS-CBN. Ayon sa kanila, napaghahalataang bias ang nasabing network sa SB19 dahil hindi ito ang unang pagkakataon na nagkamali ang network sa SB19.
“Its ok to make mistake…BUT DONT! UTANG NA LABAS PLEASE DONT!!! ILANG MISTAKES NA TO! or sadya?! what the heck.”
“Grabe naman yon @TVPatrol favoritism yarn?Ang misleading ng headline nIyo bago bago mga men.”
“Wala namang BINI at BGYO napaghahalataan kayo @ABSCBNNews. @SB19Official ang andyan. Tsk, tsk, kaya di sisikat talents nyo lagi nakisawsaw!”
omg tv patrol apologize for their misleading headline last night, thank you for clearing this matter! @TVPatrol @SB19Official #SB19 pic.twitter.com/T5vrg7fPKH
— Lorenze (@felip_twts) January 1, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!