"Sa darating na buwan po, Pebrero, handang-handa na po ang legal team ni Vhong Navarro para sa paghaharap nila ng nag-akusa sa kanya na si Deniece Cornejo," ani Cristy.
"Kung paniniwalaan natin ang mga nauna nang komento ng mga taong mas nakakaalam ng ligalidad, maganda ang magiging resulta nitong laban ni Vhong," dagdag pa ng kolumnista.
Positibo rin si Manay Cristy Fermin na malapit na ang muling pagbabalik ni Vhong Navarro sa noontime show na It's Showtime.
Matatandaang nagulat ang lahat ng muling pinag-utos ng Court of Appeals na muling buksan ang dating ibinasurang mga kaso ng DOJ laban kay Vhong Navarro na isinampa ni Deniece Cornejo.
Nanatili sa kulungan si Vhong Navarro ng mahigit dalawang buwan bago pansamantalang makalaya noong December 6, 2022.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!