Ibinahagi ng Phenominal Box Office Star na si Vice Ganda na nais na niyang magkaroon ng anak.
Ayon kay Vice Ganda, handa na siyang magkaroon ng anak subalit alam niyang hindi ito magiging madali. Inamin ni Vice Ganda na sa kabila ng kagustuhan niyang magkaroon ng anak hindi pa niya ito tuluyang napagtutuunan ng pansin dahil abala siya sa kanyang trabaho.
“Mahirap magka-baby pero hindi ko siya maharap. Pero gustung-gusto ko na,” pag-amin ni Vice Ganda.
Isa pa, kailangan din nitong isaalang-alang ang opinyon at saloobin ng kanyang mister na si Ion Perez.
“Actually ang laking part sa buhay ko na ayokong i-subject yung anak ko sa cruel world like scrutiny sa pamilya, sa dyowa. Pero now kaya ko nang protektahan ang anak ko. Gusto ko na pero hindi ko talaga siya maharap dahil ang dami-dami kong ginagawa,” dagdag pa ng komedyante.
Napaka-abala ngayon ni Vice Ganda dahil kabi-kabila ang kanyang commitments at schedule. Bukod sa pagiging regular host sa noontime show na It's Showtime, may isa pa siyang show na Everybody Sing.
“Nagpunta ako ng America noong tour. Inayos ko na yung schedule kung kanino pupunta. Nakapagpa-schedule kami pero hindi ko napuntahan. I still don’t have the luxury of time to do other things that I want to do. Kahit meron time naagaw pa rin talaga,” pahayag ni Vice Ganda.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!