Vice Ganda, Handang Gumastos ng Milyon-milyon Para Magkaanak!

Linggo, Enero 22, 2023

/ by Lovely


Inamin ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na gusto na niya ngayong magkaroon ng anak.

“Surprisingly, gusto ko nang magkaanak. Dati as in no-no ako diyan. Dati talaga no-no kahit nga ‘di biological kahit biological, no-no talaga ako. Ayoko kasing i-subject ‘yung magiging anak ko sa social injustices, sa discrimination,” pag-amin ni Vice Ganda.

Subalit, nagbago umano ang kanyang pananaw ng makilala at makasama na niya ang kanyang mister ngayon na si Ion Perez.

“Until I met Ion at na-build ‘tong relationship namin and I found it really so beautiful; na sabi ko na kayang-kaya naming magka-baby. Bigla lang, ‘Ay gusto ko nang magka-baby. Wala na ‘kong pakialam sa sasabihin nila. Ang mahalaga na lang ay ibi-build ko ‘yung personality ng magiging anak ko; ‘yung character niya,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay pumipili na umano si Vice Ganda ng ilang mga options upang isakatuparan ang nais niyang magka-baby.

Kukonsulta na sana noon si Meme sa ilang eksperto sa Amerika para sa proseso. Tinatayang aabot naman sa mahigit P5 milyon hanggang P9 milyon ang aabuting gastos ng makabagong sensya. Gayunpaman, handa umanong gawin ni Vice ang lahat upang maisakatuparan ang plano niyang pagbuo ng pamilya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo