Vice Ganda Hindi Nakakalabas ng Walang Kasamang Security!

Miyerkules, Enero 4, 2023

/ by Lovely


Inamin ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na hindi na siya makaalis ng bahay o pumupunta ng mag-isa lalo na sa mga pampublikong lugar, kung wala siyang bodyguards o iba pang kasama.

Naibahagi niya ito sa panayam ng entertainment press, kaugnay ng kaniyang muling pagbabalik-pelikula. Hanggang ngayon ay napapanood pa rin ang “Partners in Crime” nila ni Ivana Alawi, na isa sa mga entry sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon kay Vice Ganda, hindi naman daw siya magpapaka-plastik kung sasabihin niyang hindi niya dama ang pagiging isa sa mga sikat na celebrity ngayon. 

Ramdam na ramdam daw niya ang pagiging sikat kapag nasa labas siya, halimbawa, sa loob ng mall. Hindi raw talaga maiwasang lalapitan at dudumugin siya ng mga tao upang makita siya nang malapitan at makapagpa-selfie sa kaniya.

Kaya naman, kapag lumalabas siya kailangan niyang may kasama upang manaway at magpapatigil sa kanyang mga fans dahil hindi niya umano ito kaya. 

Hindi raw umano niya kayang humindi sa kanyang mga tagahanga sa pakikipagselfie sa mga ito. Kung gagawin din umano niya ay baka ma misunderstood lamang siya at masabihan ng kung ano-ano.

“Hindi ako makaalis ng walang security. Hindi ako makaalis ng ako lang kasi hindi ko kayang sawayin ‘yung ibang tao. Hindi nila maiintindihan. Kailangang may ibang gumawa niyon para sa akin,” paliwanag ni Vice.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo