Whamos Cruz Tuwang Tuwa Dahil Kamukha Ni Antonette Gail Ang Kanilang Anak!

Linggo, Enero 22, 2023

/ by Lovely


Nilinaw ni Whamos na hindi pa nanganak ang kanyang partner na si Antonette Gail Del Rosario.

Nauna nang ibinahagi ni Whamos sa social media ang ilang mga video clip kung saan makikitang nagli-labor na si Antonette. Subalit, hindi pa umano ito nanganak. 

Gayunpaman, ibinahagi naman ni Whamos ang 4D ultrasound ng baby nila ni Antonette. Tuwang-tuwa naman si Whamos dahil tila natupad ang kanyang hiling na maging kamukha ng kanyang partner ang kanilang anak.



Matatandaang inamin noon ni Whamon na kinakabahan at natatakot siyang maging kamukha niya ang kanilang anak. Matapos makatanggap ng kaliwa't kanang panlalait mula sa ilang mga netizen.

May mga nagsasabing kawawa ang magiging anak nila kung sakaling maging kamukha ito ng vlogger. Bagama't ipinagtanggol naman ito ng kanyang mga supporters tila nakatatak na talaga sa isipan nito ang mga panlalait at hiniling na lamang na maging kamukha ni Antonnete ang kanilang anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo