Wilbert Tolentino, May Pasabog Na Screenshots; Pagkapanalo Ng Miss Planet Philippines!

Lunes, Enero 30, 2023

/ by Lovely


Muli na namang naglabas ng mga pasabog na screenshots ang talent manager at social media influencer na si Wilbert Tolentino hinggil sa pagkapanalo ng Miss Planet Philippines na si Maria Luisa Varela sa Miss Planet International na ginanap sa Cambodia.

Naglabas ng mga resibo si Wilbert Tolentino hinggil sa binayarang korona sa Miss Planet International.

"Hello mga Marites ng Pilipinas! Marami nag rerequest sa akin mag labas  ako ng Statement tungkol sa Miss Planet Philippines National Director ng period ko. eto na ang perfect Timing na Statement ilalabas ko! 

So, eto na nga mga Marites, Huwag po muna tayo mag diwang sa pagka panalo ang Miss Planet Philipines sa International stage ng MPI. 

FYI lang po guys, bayad po ang Korona ang na panalunan ng Miss Planet Philippines at alam na nya final Question. bago cya lumipad ng #Cambodia para sumabak ng MPI," pagsisiwalat ni Wilbert Tolentino.

Maging sa ipinadalang kandidata para sa Miss Planet International na si Maria Luisa, ay nagbigay din ng maanghang na mensahe sa Wilbert Tolentino. Tinawag din niyang bastos at walang modo ito kasama ang National Director na si Miki Antonio.

"Ate Girl (Maria Luisa) lumaban ka ng patas kawawa din mga co candidate mo at nag eeffort din cla para sa Pageant sinalihan nila at mag travel pa sila patungong #Cambodia.    

Deserve mo etong post ko. Dahil bukod sa pag bypass nyo sa akin ng Kupal mong National Director si Miki Antonio. wala parin kayong modo at sobra kayong mabastos at kayo pa galit galitan . 

You must atleast mag pasintabi or courtesy call sa akin kung may pangarap ka maging Beauty Queen baka ma consider ko pa at gawan pa kta release paper agad agad. Sana inicip nyo rin yan bago kayo sumabak sa #Cambodia kung meron ba kayo matatapakan ng tao," saad pa ni Wilbert Tolentino.

Muli ipinagdidiinan ni Wilbert Tolentino na siya pa rin ang National Director ng Miss Planet Philippines at wala umanong replacement na naganap, wala ring kandidatang ipinadala ang Pilipinas para sa nasabing kompetisyon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo