Wilbert Tolentino Sinabing Sc@m Ang Miss Planet, Walang Replacement na Magaganap!

Martes, Enero 17, 2023

/ by Lovely


Agad na nakarating sa National Director ng Miss Planet pageant na si Wilbert Tolentino ang ibinahaging post kung saan, ibinahagi ng isang pageant page ang bagong na-appoint bilang kapalit ni Herlene Nicole Budol sa pagiging kandidata ng bansa sa darating na Miss Planet International na gaganapin sa darating na January 30, 2023 sa Columbia.

Ayon sa nasabing post, inappoint si Maria Luisa Abaño Varela bilang bagong kandidata ng Pilipinas para sa Miss Planet International.

"PHILIPPINES - Maria Luisa Abaño Varela

Congratulations to newly crowning Miss Planet Philippines 2023 - Maria Luisa Abaño Varela

Maria Luisa Abaño Varela will representing her country for the upcoming Miss Planet International in Phnom Penh, Cambodia this 30th January, 2023."

Agad naman itong inalmahan ni Wilbert Tolentino at sinabing isang scam ang nasabing pageant.

"Scam po yung pageant. Hindi nila sinuli ang binayad kong franchise. Don't be the next victim. If any candidate will represent Philippines magkaka problem po sa akin. I am still the current National Director of Miss Planet Philippines."

Paglilinaw pa ni Wilbert Tolentino, walang silang kinuhang kapalit para kay Herlene Budol na ipapadala sa Miss Planet International competition.

"As National Director for Ms. Planet in the Philippines, I would like to clarify that no replacement has been made. The Philippines will not send any representative to Ms. Planet competition this year."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo