Zanjoe Marudo Ipinahayag Hindi Pa Handang Pakasalan si Ria Atayde!

Miyerkules, Enero 18, 2023

/ by Lovely


Sa naging panayam ni Karen Davila sa aktor na si Zanjoe Marudo, bilang pagpopromote sa upcoming TV series na nito na Dirty Linen, naitanong nito sa aktor ang totoong estado ng relasyon nila ng aktres na si Ria Atayde.

Agad naman itong sinagot ni Zanjoe at inaming magkarelasyon na sila ngayon at open naman umano ito sa lahat, maging sa pamilya ni Ria.

Naitanong naman ni Karen kung may plano na bang magpakasal si Zanjoe dahil nasa tamang gulang naman na ito.

Subalit, madiing sinabi ng aktor na hindi pa siya handang magsettle down sa ngayon at balak pang mag-enjoy sa kanyang career at sa kanyang pagkabinata sabay tawa.

Tila hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga netizens at sinabing ito ni Zanjoe. Para sa kanila, red flag na umano ang sinagot ni Zanjoe. Mas mabuti pa umano sanang ang isinagot ni Zanjoe ay wala pa silang napag-usapan ng nobya.

Ayon pa sa ilang mga netizens na tila umaasa lamang sa wala ang ina ni Ria Atayde.

Matatandaang inihayag na ni Sylvia Sanchez, ina ni Ria Atayde na welcome sa kanila kung sino man ang karelasyon ng kanyang mga anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo