Abogado Ni Luis Manzano Hindi Nakapagpigil Nagsalita Sa Scam Issue Ng Flex Fuel

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Sparkle

 



Ang abogado ni Luis Manzano, nagsalita sa isyu ng Flex Fuel.


Naglabas ng subpoena ang National Bureau of Investigation laban sa TV-host actor na si Luis Manzano kaugnay ng pagkakasangkot nito sa Flex Fuel Petroleum Corporation investment scam.


Ayon sa ulat, noong Pebrero 10, personal na dinala ng NBI ang subpoena sa tahanan ng sikat na TV-Host sa Taguig city.


Ito ay bilang tugon sa mga reklamo ng mga investors sa nasabing Gas company kabilang ang 15 overseas Filipino workers laban sa Flex Fuel Petroleum Corporation at Luis.


Ayon sa NBI, nais nilang makuha ang pahayag ng aktor gayundin ang iba pang opisyal ng kumpanya na may kinalaman sa isyu.


Sinabi ng NBI na kinukuha pa nila ang mga pahayag ng mga papasok na complainant na ito.


Patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon kaya gusto rin nating bigyan ng pagkakataon itong mga respondent na magbigay ng kanilang panig dito sa mga kasong isinasampa.


Sinabi ng isa sa mga nagrereklamo laban kay Luis sa kumpanya ng Gas na si Jinky Sta Isabel na handa silang bawiin ang kaso basta't maibalik ang kanilang puhunan sa naturang investment.


"Ibalik na niya ang pera namin kahit principal. Yung buong pera lang namin na dineposit sa account niya. Kahit wala na yung kinita, wala na yung interes."


"Hindi na kami magsasampa ng kaso", saad ni Jinky.


Samantala, kumikilos umano si Luis Manzano para maibalik ang nawawalang milyong pera ng investors.


Ayon sa balita, ibinebenta ni Luis ang iba pa niyang ari-arian para lang maibalik ang pera at matapos na ang problemang kinasasangkutan niya.


Pero unang itinanggi ni Luis na may kinalaman siya sa nawawalang pera.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo