Abs-Cbn'S Homegrown Talent Artist-Lumipat Dahil Napag-Iwanan?

Lunes, Pebrero 20, 2023

/ by Lovely


Kamakailan lamang sa isang interview ay inamin ng dating Kapamilya artist na si Miles Ocampo na dati pa niyang pangarap na maging sikat na artistang pinagkakaguluhan.


Tila natupad naman ang pangarap niyang maging artista, subalit ang pagkaguluhan at labis na sumikat ay naging mailap sa kanya.


Hanggang nito lamang, kamakailan tila natamo itong lahat ni Miles ng mag-viral ang isang eksena ng FPJ's Ang Batang Quiapo.


Kung saan marami sa mga netizens ang bumilib at humanga sa galing nito sa pag-arte.


Samantala sa isang panayam, emosyunal na inamin ng aktres na noon pa man ay pangarap na niya ang sumikat kagaya ng ilang nakasabayan niya noon sa Going Bulilit.


"Pangarap ko talagang sumikat, pinagkakaguluhan, kaso.. kaya naisip ko na may mangyayari pa ba sa akin?" pag-amin ng aktres.


Lalo pa umano siyang na pressure nang makitang nagtagumpay na ang ilang kasabayan niya noon sa Going Bulilit na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.


"Pero sa industry natin mari-realize mo na hindi nasa 'yo ang spotlight all the time. Lagi kong iniisip na baka hindi ko pa talaga time."


"Kaya once na may ibinigay na project sayo, that's the time mo to shine, ibigay mo ang best mo kasi hindi mo alam kung sino ang makakapanood nun."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo