AiAi Delas Alas Nagsalita na Hinggil sa Pagdedeklara sa Kanilan ni Darryl Yap Ng Persona Non-Grata ng QC!

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Lovely


Si AiAi Delas Alas naman ang naging guest sa pinag-uusapang programa ni Boy Abunda sa GMA na Fast Talk with Boy Abunda nitong byernes February 10, 2023.

Kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang pagdedeklarang Persona Non-grata sa kanya kasama ang kontrobersyal direktor na si Darryl Yap.

“Bilang persona non grata, una sa lahat, hindi ko talaga alam ang meaning no'n. Nalaman ko na lang noong, 'Ah, dineclare pala akez,'” pagsisiwalat ni AiAi.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inilabas ni AiAi ang kanyang saloobin hinggil sa deklarasyong ito na noon pang June 2022 naganap.

“Sa totoo lang, hindi ko akalain na gano'n pala 'yon kasi noong ginawa ko po 'yon, bilang artista po. Tapos, sila naman ang gumawa ng script no'n. Yung iba do'n, talagang pina-edit ko kasi ang alam ko, baka ma-offend si Mayora,” paglalahad ni AiAi.

Bagama't tila late na, ipinahayag pa rin ni AiAi ang kanyang paghingi ng tawad para sa Mayora.

“But since, 'yun nga nga, parang na-offend siya. Pasensya na Mayora na ako pala ay nakasakit sa'yo. Pero artista lang ako, kung baga kaya ginawa ko 'yon kasi inutos lang sa'kin.”

“Mayora, alam mo dapat hindi ka na magtatampo sa'kin. Kasi 'pag nagtampo ka sa'kin parang nagtampo ka sa sarili mo. Eh diba magkamukha tayo?” pagbibiro pa ng aktres.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo