Ipinahayag ng actress-politician na si Aiko Melendez sa pamamagitan ng isang Facebook post ang kanyang pagkadismaya sa isang airline dahil sa hindi umano pag-aalaga ng kanilang mga bagahe, na nagdulot ng damage dito.
Nag-upload ng mga larawan si Aiko sa kanyang social media account, kung saan makikita ang mga nasirang bahagi ng kanilang bagahe. Tinawag din niya ang pansin ng PAL at tinanong kung ano ang nangyari sa kanilang mga bagahe. Sinabi pa niya na dapat ding tratuhin ng maayos ng nasabing airlines ang kanilang mga gamit.
"Philippine Airlines what happened with our luggage? Our belongings should be treated with care," pahayag ni Aiko.
"It was not a full flight, but I’m wondering what went wrong Rimowa is known to be a heavy-duty luggage it takes a lot of force for this to be damaged," dagdag pa ni Aiko na ipinuntong hindi madaling masira ang brand ng biniling luggage.
Matatandaang ilang buwan na din ang nakakalipas matapos na inireklamo din ng isang social media personality at director ang Philippines Airlines dahil sa mga marites na mga crew.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!