Aira Lipata at Ava Mendez Pinagtawanan Si Zeinab Harake Sa Live, Hindi Daw Sila Magkamukha!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely


Naging mainit sa mga mata ng mga marites ang kumakalat na video ngayon kung saan makikitang magkasama ang dating nali-link kay Skusta Clee na si Aira Mae Lipata at ang panibagong babae nito ngayon na si Ava Mendez.

Makikita pa sa nasabing video na tila napaka-close nila sa isa't-isa. Game na game na sinagot nila ang ilang katanungan ng mga netizens, maging ang komento ng netizen na kamukha ni Ava Mendez si Zeinab Harake.

Mariin namang iginiit ni Ava Mendez na hindi niya kamukha si Zeinab Harake. Saad pa ni Ava Mendez na ayaw niyang nasasabihang mayroon siyang kamukha. Dahil siya lamang ang nag-iisang Ava Mendez.

Matatandaan na si Aira Mae Lipata ang siyang itinuturong third party sa hiwalayan noon nina Zeinab Harake at Skusta Clee. Subalit ilang buwan lamang ang nakakalipas ay si Ava Mendez na naman ang kinakasama ng OPM Rapper na si Skusta Clee.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo