AJ Raval Isiniwalat Na Sa Publiko Ang Pag-ibig Para Kay Aljur Abrenica!

Martes, Pebrero 14, 2023

/ by Lovely

Gumawa ng ingay ang aktres na si AJ Raval sa social media matapos niyang mag-post ng larawan nila ni Aljur Abrenica sa dalampasigan ng isang beach. 

Mukhang masaya ang dalawa at nag-e-enjoy sa kanilang pagsasama, kung saan makikita sa larawan na tila pinapaikot ni Aljur si AJ habang sumasayaw sila.

Sa caption ipinahayag ni AJ ang ibinibigay niyang unconditional love para kay Aljur Abrenica.

Maraming netizens ang nag-react at nagbigay ng kanilang suporta kina AJ at Aljur. Subalit hindi pa rin nawawala ang mga netizens na patuloy kinukwestyon ang relasyon ng dalawa.

"Hahhaha. Naol. Flex na after 1m denials"

"Proud kabet here👏"

"Para sa mga basher si Kylie unang nagloko .Pero tahimik lang si aljur wag kayong ano"

"ahaaay finallllly! ♥♥♥"

Matatandaang nauna nang nakapanayam si Aljur at sinabi nitong hindi si AJ ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Kylie Padilla. Parehong naging isa sa mga pinag-uusapan sa social media sina AJ at Aljur sa kasagsagan ng split rumors sa pagitan ng aktor at Kylie.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo