Naging mainit na usapin sa social media ang ibinahaging larawan ni Atty. Vince Tanada kung saan nagpapakitang hindi umano nag flop ang kanyang pelikulang Ako si Ninoy.
Sa ibinahaging photo, makikitang punong-puno ang isang sinehan na hindi naman binanggit kung saan.
Subalit, nauna nang kumalat ang ilang mga larawan na wala halos laman ang mga sinehan kung saan pinapalabas ang nasabing pelikula ni Vince Tanada.
Naglabasan na rin ang mga reviews kung saan marami ang nagsasabing pangit o di kaya'y boring ang nasabing pelikula.
Samantala, naka mention pa ang direktor ng pelikulang Martyr or Murderer na si Darryl Yap sa post ni Vince Tanada kung saan ipinakita niyang hindi naman flop ang kanyang pelikula.
Subalit kaagad naman itong sinupla ng isang netizens at sinabing peke ang nasabing larawan. Kinuha lamang umano ito ng isang netizen mula sa mga larawan noon at hindi sa pelikulang Ako si Ninoy.
"It's so pathetic to even lie about the jam-packed cinemas during the "Ako si Ninoy" showing.
Why can't Direk Vince Tañada show the actual photos? He shared a post that's fake (LEFT). Someone grabbed it from Nicole Laurel Asensio 's August 2022 post.
February 2023 na, sinungaling pa rin?," pagsusupla ng isang netizen.
Kalakip nito ay ang larawan na umano'y pinagkunan nila.
Narito ang buong post.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!