Ako Si Ninoy Nilangaw Sa First Day! Tiktoker May Pang-Asar! Pinagtawanan Ng Netizens

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin ngayon sa social media ang unang araw ng showing ng pelikula ni Vince Tanada na Ako si Ninoy kung saan marami ang nagsasabing hindi na ito buminta.


Inaasahan pa naman ng direktor at ilang cast ng nasabing pelikula na kaagad itong tatabo sa takilya sa unang araw pa lamang ng showing nito.


Subalit, tila kabaliktaran umano ang nangyari dahil tila nilangaw ang pelikula ni Vince Tanada na Ako Si Ninoy. May mga naglabasan pang resibo na magpapatunay na nilangaw ito.


Makikita sa isang ibinahaging larawan na halos lahat ng seats para sa pelikula sa isang mall ay available na nagpapatunay lamang na kunti lamang ang nanood sa nasabing palabas.


Maging ang isang TikToker ay hindi na nakapagpigil at nagbigay ng kanyang saloobing hinggil sa pelikula.


"Magpapareserve sana kaya lang mukhang BLACK SCREENING ang AYOKO SI NINOY! hindi po Block ah.

Kulay BLACK lahat ng seats

Makakamura mga magjojowa jan kesa kumuha ng hotel"


Dagdag pa niya, na natakot pa umano ang isang manonood sana ng pelikula, hindi dahil sa genre nito kundi dahil nagmistulang wala siyang kasama sa loob ng sinehan dahil napaka kunti ng mga nanonood.


Samantala, ayon naman sa isa pang social media influencer na tila sila ngayon ang nakarma dahil sa labis na paninira nila sa pelikula ni Darryl Yap ay tila mas tumatak sa mga tao ang pelikula nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo