Alden Richards May Bagong Loveteam!?

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Jerome

Sa press con pa lamang ni Miss Glenda ng concert na Pinakamakinang Brilliant concert ay kinilig daw siya ng malaman niyang ang actor na si Alden Richards ang kanyang special guest. 

Sa araw nga ng kanyang concert ay talagang nakita ng mga tao sa kanya ang pagkakilig niya kay Alden, pansin ito sa kanyang mukha at sa kilos niya noong kumanta siya na biglang sumulpot sa likuran niya si Alden. Kitang-kita nga kung papano siya kiligin habang papalapit sa kanya ang Actor na si Alden Richards. 

Dahil naman sa may pagka-gentleman nga itong si Alden, ay maypahalik pa ito sa kamay na siya namang mas ikina kilig masyado ni Miss Glenda at ng mga manonood sa naturang concert. Napaka lakas nga ng tilian ng mga fans nila at may nagsabi pa na bakit hindi nalang daw eh maging kayo hiyaw ng mga tagahanga sa kanilang dalawa. 

Inamin naman ni Miss Glenda na kakahiwalay niya palang sa kanyang asawa at hindi daw muna ang pakikipag relasyon ang focus niya. Mensahe naman ni Alden para kay Miss Glenda ay, "Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo na kaya mong maging successful at marami kang matututunan." 



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo