Alex Gonzaga at Toni Gonzaga, Mamahinga Daw Muna sa Showbiz!?

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely


Muli na namang naging laman ng usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa latest episode ng Showbiz Now Na ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

Sa usapan, sinabi ni Cristy na may mga tsismis na nagsasabing magpapahinga muna ang magkapatid na Gonzaga sa showbiz. 

“Magpapahinga raw po muna sina Alex at Toni Gonzaga. Siguro ito 'yung pagpapahinga na siguro'y magmemedya-medya muna sila ng pagtatrabaho para palipasin 'yung hindi kagandahang hangin na dumaan sa kanila,”pagbabahagi ni Cristy Fermin.

Agad namang ibinahagi ng tatlong host ang kanilang honest opinion hinggil sa balitang ito. 

"Dapat lang,” pahayag ni Cristy Fermin na inaalala pa ang mga natanggap ng dalawa matapos ang eleksyon at mga kaarawan nila. 

“Na sinasabi na bigyan muna nila ng space ang kanilang sarili, diba? Parang ibig sabihin, malayo sila sa mga intriga na ibinabato sa kanila na hanggang ngayon ay hindi matapos-tapos at meron pang mga nahahalukay,” pagsang-ayon naman ni Wendell. 

Sinabi naman ni Romel na dapat lamang talagang magpalamig muna sila.

Ipinahayag pa ni Cristy Fermin na sadyang hindi para kina Alex at Toni Gonzaga ang pagpasok ng taon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo