Alex Gonzaga May Pa Sweet Message sa Kanyang Hubby Nitong Valentine's Day!

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Lovely


Muling binulabog ni Alex Gonzaga, ang social media matapos magsulat ng isang sweet at taos-pusong mensahe para sa kanyang asawang si Mikee Morada. Sa kanyang Instagram account nag-upload ang actress-host ng sunud-sunod na cozy photos na kuha niya kasama ang kanyang asawa.

Batay sa kanyang online post, tila nasa Namsan Tower sa Seoul Korea sina Alex at Mikee na naglalagay ng mga love locks. Sa kanyang Instagram gallery, makikita sina Alex at Mikee sa magkayakap habang nakatingin sa isa't isa.

Isinulat naman ni Alex sa caption ang isang sweet at heart-felt poem na nakatuon sa kanyang asawa sa nasabing viral post sa kanyang Instagram page. Ayon kay Alex, sa kabila ng pagiging 'sakit ng ulo' niya kadalasan, pinili pa rin ni Mikee na manatili sa tabi niya sa lahat ng oras.

"Kahit madalas ay sakit ako sa ulo,

Wala kang balak sakin na sumuko. Ang sarap sa puso

tawagin kang asawa ko. Happy balentayms papamel!"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo