Alex Gonzaga Pinaluhod sa Asin at Munggo Bilang Parusa!

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Lovely


 Naibahagi ng TV-host actress na si Toni Gonzaga ang ilang kaparusahan ni Alex Gonzaga noon.


Ayon kay Toni Gonzaga, naranasan ng kanyang kapatid na si Alex na paluhurin sa asin.


Naikwento niya ito nang mabanggit ng guest niiyang si Tech Ram na nagagawa rin ito sa kanya ng kanyang ate. 


"Pinaluhod ko si Alex sa asin," natatawang pagsisiwalat ni Toni kay Tech Ram.


Ayon naman kay Tech Ram na bukod sa asin ay naranasan din niyang mapaluhod sa monggo ng kanyang ate. Natawa naman si Toni Gonzaga dahil naalala niyang pinaluhod rin niya sa monggo si Alex dahil nauubos na umano ang asin nila.


"Monggo? oh my gosh! minunggo ko rin si Alex. Napagalitan na ako, nauubos ko raw 'yung asin."


Isiniwalat pa ni Toni na napaparusahan niya si Alex dahil sa pagmumura nito.


"Hindi kasi 'yung kay Alex nagmura. Bawal kasi sa'min 'yun nagmura."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo