Aljur Abrenica, Nag-Flex Na ng Larawan Nila Ni AJ Raval!

Martes, Pebrero 14, 2023

/ by Lovely

 


Tila inamin na ng rumored couple na sina AJ Raval at Aljur Abrenica ang kanilang relasyon na matagal nang usap-usapan online.

Nito lamang February 14, sa mismong Valentine's day nagflex si AJ ng larawan nila ng aktor kalakip ang mensahe kung gaano niya ito kamahal.

Samantala nag-post din si Aljur Abrenica ng picture nila ni AJ Raval ngayong Valentines Day. Hindi na nagbahagi ng mensahe si Aljur sa kanyang Instagram post. Makikita lamang na malagkit ang pagkakatingin niya kay AJ na nakangiti sa kamera.

Agad naman itong umani ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga netizens.

Narito ang ilang sa komento ng mga netizens.

"Nanghihinayang ako sayo aljur!crush na crush pa naman din kita mula nung nagumpisa ka sa starstruck!pero ngayon sinira mo ang pagkalalaki mo at sinira mo ang interpretasyon ng banal na kasal!..ukinayo!hindi kayo magandang modelo sa mga kabataan!"

"Kunwari talaga nagulat kami"

"Lantaran kabit na po ito"

Matatandaan na matagal nang usapin online ang pagkakaroon ng relasyon nang dalawa. Mula pa noong, naghiwalay sina Aljur at Kylie ilang taon na ang nakakalipas. Si AJ Raval pa ang tinuturing na dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Bagama't nilinaw naman ni Aljur na hindi si AJ Raval ang dahilan hindi pa rin kumbinsido ang mga netizens.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo