Andoy Ranay, Sinagot Ang Mga Bashers Na Sinasabing Ginaya ng 'Dirty Linen' Ang 'Widow's Web'!

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Lovely


Kaagad na sinagot umano ng ABS-CBN director na si Andoy Ranay ang mga bashers na nagsabing ginaya ng pinag-uusapang teleserye ngayon na “Dirty Linen” ang nagtapos nang teleseryeng “Widow’s Web” ng GMA Network.

Pahayag ng basher sa isang ulat, “copycat” daw ng Widow’s Web na pinagbidahan nina Carmina Villaroel, Pauline Mendoza, Ashley Ortega, at Vaness Del Moral ang trending na “Dirty Linen” ng ABS-CBN na pinagbibidahan naman nina Janine Gutierrez, Jennica Garcia, Christian Bables, Francine Diaz, Seth Fedelin, at iba pa.

Ayon kay Andoy Ranay, na isa sa mga director ng Dirty Linen, hindi nga niya alam na may ganoong show sa GMA7.

 “Oh, there’s such a show? Sorry di ko alam,” pahayag ni Andoy Ranay.



Kung tutuusin ay mas nauna rin sa ganitong tema ang “The Good Son” ng ABS-CBN, gayundin ang “The Killer Bride.”

Si Andoy Ranay ay isa rin sa mga director ng award winning Philippine Adaptation ng Dr. Foster na pinamagatang The Broken Marriage Vow.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo