Andrea Brillantes, Ready Na Bang Gumanap Bilang Susunod na Dyesebel?

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Lovely


Nagbigay na ng pahayag ang young actress na si Andrea Brillantes hinggil sa mga bali-balitang siya ang napupusuang gumanap bilang susunod na Dyesebel sakaling matuloy ang gagawing remake nito sa ABS-CBN.

Matatandaan na naging bulong-bulungan nitong nagdaang taon ang balitang si Andrea Brillantes ang napupusuang gumanap sa isa pang iconic character na likha ni Mars Ravelo na si Dyesebel.

Kaya naman nagbigay na ng saloobin si Andrea Brillantes hinggil sa usaping ito. Ayon kay Andrea, isa  sa mga dream role niya ang pagganap bilang si Dyesebel.

"Siyempre napa-flatter po ako. Kasi siyempre, napakalaking role po noon at naiisip po nila ako na kunin dun. So, siyempre masaya po sa aking kalooban," pag-amin ni Andrea sa isang panayam.

Bagama't wala pang opisyal na usapan, malugod umanong tatanggapin ng Kapamilya Star ang role sakaling ipagkakaloob ito sa kanya dahil isa ito sa mga dream role niya.

"Of course, dream role ko po siya ever since."

Samantala, ipinahayag naman ni Andrea Brillantes ang kanyang excitement sa upcoming project niya kasama ang mga Drag Queen at Divine Divas.

"Mayroon akong pini-film na 'Drag U and Me' kasama ko ang Drag Queens ang Divine Divas and I am really excited for that show po," pahayag ng Kapamilya star.

Narito ang buong pahayag ng aktres.

https://youtube.com/shorts/RMwZ0i__0FU?feature=share

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo