Mainit na usapin pa rin sa iba't-ibang news outlets at social media platforms ang pagkakadawit ni Luis Manzano sa Flex Fuel Investment scam kung saan umabot sa mahigit 100 ka tao ang nagreklamo.
Maging ay nagbigay umano ng pahayag at sinabing pagbabayarin ang lahat ng sangkot sa nasabing investment scam. Kung saan halos umabot sa isang milyon ang na scam sa bawat investors.
Ayon kay Raffy Tulfo imposibleng hindi alam ni Luis Manzano ang lahat dahil may mataas itong posisyon sa kompanya at pangalan niya ang ginagamit upang makakuha sila ng investors.
Matatandaan na noong 2020 naging Chairman of the Board si Luis Manzano habang CEO naman ang kaibigan niyang si Bong Medel. Taong 2022 naman nang nagresign si Luis bilang Chairman of the Board dahil napansin umano niya ang hindi maayos na kalakaran ng kompanya.
Samantala, lumabas na ang subpoena laban kay Luis mula sa NBI. Agad namang nagpadala ng sulat ang kampo ni Luis at humiling nang dalawang extension upang makakalap pa sila ng karagdagang ebedinsya na walang kinalaman si Luis sa nasabing money scam. Dahil hindi naman ipinaalam ni Medel ang buong operation ng Flex Fuel.
Kampo ng aktor at TV host na si Luis Manzano, humingi ng dalawang araw na palugit kaugnay sa subpoena na inilabas ng National Bureau of Investigation dahil sa reklamong estafa na inihain ng mga investor ng Flex Fuel Petroleum Corporation. | via @jhomer_apresto pic.twitter.com/3tI5ibU0Kq
— DZBB Super Radyo (@dzbb) February 13, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!