Anne Curtis, May Mensahe Sa Netizens Na Nagpapatanggal Sa Mga Kasamahan Sa Showtime!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely


Sa latest episode ng It's Showtime, hindi naiwasan ni Vice Ganda na ibinahagi ang mga nababasang komento at petisyon ng ilang mga netizens hinggil sa pagpapatanggal ng host sa kanilang programa.

Ayon kay Vice Ganda, nakarating na sa kanya ang mga petisyon ng ilang netizens na dapat tanggalin sa kanilang show ang mga idinaragdag na host kagaya na lamang kina Jacky, MC at Lassy.

Matatandaan na maraming mga netizens ang nagsasabing marami nang host ang It's Showtime na tila hindi naman kailangan at dahil umano rito nawawalan ng exposure ang mga dating It's Showtime hosts.

Kaya naman nagbigay na rin ng saloobin ang matagal nang It's Showtime host na si Anne Curtis. Ipinahayag niya ang kanyang saloobin hinggil sa petisyon ng mga netizens na ipatanggal ang ilan sa kanilang bagong kasamahan sa show.

"Be kind, there's a room for everyone here in Showtime," pahayag ni Anne.

Payo pa ni Anne na dapat maging kind sa lahat at hindi mag-ipon ng 'hatred' sa puso ng bawat isa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo