Antonette Gail at Whamos, Huling Guest Ni Toni Gonzaga Sa Kanyang Talk Show Sa AllTV!

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng magpartner na sina Whamos at Antonette Gail Del Rosario ang ilang behind the scenes na kuha mula sa kanilang guesting sa talk show ni Toni Gonzaga sa AllTV.

Sa behind-the-scenes video, ipinaliwanag ni Toni kay Whamos na normal lang sa mga bagong ina na maging extra emotional pagkatapos manganak dahil sa kanilang elevated hormones.Matatandaan na isinilang ni Antonette ang kanyang unang anak kay Whamos ilang linggo pa lamang ang nakakalipas.

Nag-upload din si Whamos ng clip nila ni Antonette na nakikipag-chat kay Mommy Pinty at Daddy Bonoy, ang mga magulang ni Toni. Batay sa mga clip, parehong masaya sina Whamos at Antonette kasama ang pamilya Gonzaga. Ipapalabas ang panayam sa ALLTV sa darating na Valentine's Day.

Agad namang umani ng samu't-saring opinyon at komento ang pagbabahaging ito ni Whamos may mga nagsasabing tila ang magpartner na social media personality ang siyang magiging huling guest ni Toni Gonzaga sa kanyang talk show sa AMBS AllTV.

Matatandaan na ilang araw pa lamang ang nakakalipas matapos inanunsyo ng pamunuan ng AllTV na nag-shoot na sila ng final taping sa ilan sa kanilang mga programa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo