Arnold Clavio, Binigyan Ng "Pinakamahal" Na Bouquet Ng Sibuyas Ang Asawa Sa V-Day!

Martes, Pebrero 14, 2023

/ by Lovely


Nag-post sa Instagram si Arnold Clavio at ibinahagi ang espesyal na bouquet na binili niya para sa kanyang asawa nitong Valentine's Day.

Ayon sa GMA broadcaster, deserve daw ng kanyang misis ang pinakamahal na bouquet sa Valentine's Day.
"Happy ❤️’s Day Mamu …

And you deserve the most expensive bouquet on this special day … 14324," caption ng broadcaster sa kanyang post.

Sa larawang ibinahagi niya, makikita ang mga sibuyas na marahang inilagay sa gitna ng mga bulaklak na may iba't ibang kulay. Maraming netizens ang nagkomento na mahal nga raw ang bouquet. 

"Mamahalin haha"

"Gusto ko nito! Happy V day, Igan!"

Matatandaan na ipinahayag noon ni Igan ang kanyang pagkadismaya sa pagtrato ni Alex Gonzaga sa waiter na nagsilbi sa kanila para sa kanyang kaarawan. Ayon sa kanya na dapat binibigyan ng malaking respeto at paggalang ang mga taong ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo