Ava Mendez Nagfollow at Agad Ring Nag Unfollow Kay Xian Gaza!

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Lovely


Naglikha ng ingay ang pagsisiwalat ni Xian Gaza sa kanyang social media account sa isang post na nagfollow at agad ring nag-unfollow sa kanya ang Viva artist na si Ava Mendez.


Nagbahagi pa ng ilang screenshots si Xian na magpapatunay umano ng kanyang claims.


“Question, ano meaning kapag finollow ka tapos inunfollow din agad?” tanong pa ni Xian Gaza sa kanyang mga followers.


Subalit, ang nasabing post ay tila binura na ni Xian at hindi na ito makikita sa kanyang Facebook feed.


Samantala, naging palaisipan ngayon sa ilang mga netizens kung bakit tila hindi na nakafollow sa isa't-isa sina Ava Mendez at Skusta Clee.


Agad tuloy naisip ng ilang netizens na tapos na si Skusta kay Ava o baka naman umano ay kagaya ng isyu nila Boy Tapang ay tapos na rin ang collab nilang dalawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo