Award Winning Screen Writer, Sinabing Hindi Na Nagulat sa Malasw*ng Music Video ni Toni Fowler!

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Lovely


 Maging ang dating head screen writer ng ABS-CBN na si Jerry Gracio ay naglabas na din ng kanyang opinyon hinggil sa malaswang music video ni Toni Fowler na ibinahagi nito sa kanyang YouTube channel.


Umaani ngayon ng kaliwa't-kanang pambabatikos ang vlogger matapos niya ibahagi ang music video ng kanyang rap song na MPL.


Marami ang hindi nagustuhan ang nasabing music video lalo pa't maaari itong mapanood ng mga kabataan na nagbababad sa YouTube.


May mga nagsasabi pang tila kawalan ito ng respeto sa mga kababaihan at mga kabataang babae.


Kaya naman nagbigay na rin ng kanyang saloobin ang award winning screen writer na si Jerry Gracio sa controversial music video ni Toni Fowler.


Ayon sa kanya, hindi na nakakagulat ang ganitong uri ng music video dahil easy access na lamang sa panahon ngayon ang mga pornhubs.


"With easy access to Pornhub & other porn sites, masa-shock pa ba tayo kay Toni Fowler? O nagkukunwari na lang tayo na nasa-shock at nagbubulag-bulagan."

"Gayong alam naman natin na may easy access ang mga bagets sa Youjizz, di tulad dati na kailangan pa nating hanapin, paghirapan, at itago nang maigi ang mga kopya natin ng Playboy, Tiktik, at Sagad."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo