Baby Ilalantad Din Kaya? AJ Raval Inamin Na Relasyon Kay Aljur Abrenica!

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Lovely


Ginulat ng celebrity couple na sina Aljur Abrenica at AJ Raval ang mga netizens nang sa wakas ay inamin na nila ang kanilang relasyon sa mismong mga araw ng puso.

Ipinahayag na sa wakas ni AJ Raval ang kanyang ibinibigay na unconditional love para kay Aljur Abrenica.

"I'll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally," caption ni AJ sa kanilang sweet photo.

Agad naman itong pinusuan ng aktor.

Samantala, sa social media account naman ni Aljur at tila proud siyang nagflex ng sweet photo nila ni AJ  kung saan makikitang nakasuot pa sila ng couple jacket.

Agad naman itong umani ng samu't-saring opinyon ng mga netizens. May mga nagsasabing tila nag-iba na umano ang panahon ngayon at proud pang ipinapahayag ang pagkakaroon ng kireda at yung kabit naman ay proud pang ipinagsisigawan sa lahat na may nasira siyang pamilya.

Ayon pa sa ilang netizens na hindi na ito nakakagulat pa dahil matagal naman nang nahahalatang may relasyon ang dalawa kahit pa hindi nila inaamin. May naglabasan pang ispikulasyon na kasunod na aaminin ng dalawa ay ang pagkakaroon na nila ng anak.

May mga haka-haka pang kaya hindi na muna inilalabas ang anak ng dalawa sa takot na kasuhan sila ni Kylie Padilla.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo