Bela Padilla Nagustuhan ang Pamumuhay sa London!

Linggo, Pebrero 5, 2023

/ by Lovely


Naging open na si Bela Padilla sa kanyang paninirahan sa London.

Sa isang panayam para sa kanyang bagong pelikulang Spellbound, ibinahagi ng aktres kung ano ang nag-udyok sa kanya na lumipat at manirahan na sa London.

"Parang I feel like I dedicated my last 15 years of my life trying, shooting. Parang siguro because I kept living my characters' lives for the last few years. I felt like I haven't fully lived my life. Parang I dedicated my life too much to my characters, my films. Alam niyo naman 'pag gumagawa ako ng movie, kung artista ako sa isang project, hindi naman po dun lang ako sa shooting days involved, pati marketing. Minsan,  I asked what I can do so I am very involved with my project," pagsisiwalat ni Bela.

Ayon pa kay Bela, bigla na lamang siya nagising isang araw na para bang nalipasan na siya ng panahon. Kaya naman napagdesisyunan niyang manatili sa London dahil doon niya nadiskubre ang kanyang sarili at mabigyan ng oppotunity na madiskobre ang kanyang sarili.

Sa huli, nagbigay ng payo ang aktres sa lahat. Aniya, "Give yourself time, allow yourself to breathe, and really to experience life I guess ng the best ways you can or the way you can do it."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo