Bianca Umali Nagreact Sa Pag-amin ni Miguel Tanfelix sa Fast Talk With Boy Abunda!

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng kanyang saloobin ang ex-girlfriend na Miguel Tanfelix na si Bianca Umali, hinggil sa nagdaang interview ng aktor sa programang Fast Talk with Boy Abunda ilang araw na ang nakakalipas.

Matatandaan na hindi naging maliwanag sa mga netizens kung ano nga ba ang totoong dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa. May mga nagsasabi pa noon na si Kyline Alcantara ang third party sa kanilang relasyon dahil na rin sa isang cryptic post ni Bianca tungkol sa isang 'ahas'.

Subalit, sinabi ni Miguel na hayaan na lamang ang mga bagay na lumipas na. Ang mahalaga umano ay masaya na sila sa kanilang mga buhay ngayon.

Samantala sa isang panayam ni Nelson Canlas para sa kanyang podcast, naitanong sa aktres kung ano ang kanyang saloobin. Ayon kay Bianca, wala na siyang ibang masasabi sa mga isiniwalat ni Miguel.

“But that part that he talked about the both of us, actually, I have nothing to say. Actually, partly nga, e, I felt happiness pa for him because, finally, he was able to talk about what happened to us.”

Dagdag pa ng aktres, "I have nothing else to say kasi, I think, I would answer the same thing na totoo naman, e, lahat ng sinabi niya."

Nilinaw din ni Bianca Umali na magkaibigan pa rin naman sila ni Miguel sa loob ng network.

“Because it is for how many years and it's disrespectful naman din to him na i-disregard yung presence na yun. So I have nothing against him talaga. It's more of I'm just happy we both have our own lives, our own partners. We both have grown, he has grown, and I think it shows so much in that interview.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo