Binabatikos Ngayon Si Toni Fowler at Ang Toro Family Dahil Sa Klaswan Sa Kanilang Music Video!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Lovely


Umaani ngayon ng pambabatikos ang music video na ipinalabas ng vlogger na si Toni Fowler sa kanyang Youtube channel at nirepost pa sa kanyang Facebook page.

Marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang kalaswaang ipinapakita ni Toni Fowler sa kanyang music video. May mga nanawagan pang dapat ireport ang nasabing music video ni Toni dahil hindi ito kanais-nais na makita lalo na't maraming kabataan ang maaaring makakita nito sa Youtube at Facebook.

Marami ngayon ang dismayado sa ipinapakita ni Toni lalo na't may anak naman ito na iginiit pa niyang pinoprotekhan noon.

Maging sina Papi Galang at iba pa sa Toro Family ay hindi rin nakaligtas sa mga pambabatikos ng  mga netizens. May mga nagsasabi pang basura ang kantang ito ni Toni.

"Grabe pang educational talaga tong MV. Daming mapupulot na aral dito!"

"proud na sya sa kanta nya........kahit maraming batang nakakakita sa social media."

"Yown may sound trip nako kapag gusto ko mabadtrip  salamat mommy onit dito sa Basurang kanta nato🔥"

"Grabe napakadami mong matututunan sa MV na to very inspiring and meaningful ng kanta na to. Kudos sa inyo dahil kahit andaming lumalabas ngayon na mga basurang kanta at walang kwenta, nagagawa nyo pa ring dagdagan 🔥"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo