Bossing Vic Sotto, ‘Pinatay’ Sa Isang Social Media Page!

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Lovely


Muli na namang naging biktima ng pagpapakalat ng maling impormasyon ang actor-host na si Vic Sotto.

Kamakailan lamang ay lumabas sa isang social media page ang impormasyon pumanaw na umano ang batikang host ng Eat Bulaga na si Vic Sotto. Kalakip ang isang black in white na larawan, kung saan nakasulat sa caption na ang balita ay mula sa GMA News.

Makikita sa isang Facebook page ng Frontline Pilipinas ang isang maling impormasyon. Kung saan inihayag nila ang pagpanaw ni Bossing Vic Sotto sa edad na 68 years old.

“BREAKING: ‘VIC’ Sotto, Namatay sa edad 68. Paalam Bossing VIC Sotto, Salamat sa buhay mo sa EB,” nakasulat na caption sa post nito.


Kaagad naman itong inalmahan ng mga tagahanga ng host dahil kasalukuyang nagbabakasyon ngayon ang pamilya nila sa Hongkong Disneyland.

May mga larawan pang ibinahagi si Pauleen kung saan malayo sa nagluluksa ang hitsura nila.

Matatandaan na noong nakaraang November ay naging biktima rin si Vic Sotto ng maling impormasyon matapos kumalat ang isang video kung saan inihayag din ang pagpanaw nito. Noong 2014 din ay may kumalat ding kaparehong balita subalit ang lahat ng ito ay pawang walang katotohanan.

Samantala, hindi pa nagbigay ng reaksyon o anumang tugon mula sa kampo ni Vic Sotto.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo